Nakatulala lang ako doon sa salamin sa banyo at unconsciously ay napatingin ako sa lips ko. Naalala ko na naman ang nangyari kaya nagpapadyak ako doon. "Yuck! Ugh! Kainis!" Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, bakit 'yun pa?! Nakakairita talaga! Nagtoothbrush tuloy ako nang wala sa oras pero mas kinuskos ko ang labi ko. Halos mamanhid na nga sa sobrang kuskos ko, eh. "Hoy, Lyka! Matagal ka pa ba dyan? Dalian mo maliligo pa ako!" Kita mo 'to. Parang walang nangyari! Teka, bakit ba parang ako lang ang affected dito?! "Gabi na maliligo ka pa? Matagal pa ako dito!" "Paki mo ba? Naiinitan ako eh! Dalian mo!" Kumatok pa siya nang malakas to the point na parang mawawasak na 'yung pinto. Kulit nito ah! Kitang may tao pa rito sa loob! "Eh 'di tumapat ka sa electric fan! Dun ka na nga! Istorbo ka eh!" Bigla namang kumalabog 'yung pinto at hindi ko alam kung sinuntok niya ba 'yun o sinipa. Tss. Kainis! Lalo lang akong hindi makapagmove on sa nangyari! First kiss ko 'yun. First. Kiss. Nasayang lang dahil sa kanya! Hoo! Lyka, kalma. Okay, ganito na lang. Past is past. Wala na. As in nangyari na. Move on na, Lyka. Okay, I'm fine. Lumabas na ako ng banyo at natapos na ang counselling ko sa sarili ko. Kumalam ang sikmura ko at naisipan kong kumain na lang para mabawasan ang stress ko. Nagsandok ako ng kanin at kumuha na rin ng ulam. Akmang susubo na ako nung biglang... ...may humawak sa binti ko. "Lyka!" "Pak—yu!" Muntik na akong tumumba sa upuan ko dahil sa nangyari. At ang nakakainis pa, tumawa lang nang tumawa si Dylan habang lumalabas siya sa ilalim ng lamesa. "Walanghiya ka! Papatayin mo ba ako?!" "Gumaganti lang. Ayaw mong lumabas sa banyo, eh. Pero makakaligo na pala ako. Sige!" tapos tumakbo siya papasok sa banyo. Nakakainis yun! Napaka-isip bata! Sinong matinong tao ang magtatago sa ilalim ng lamesa at biglang hahawakan ang paa mo para lang gumanti sa hindi ko paglabas sa banyo? Jusko buti wala akong sakit sa puso. Napamura tuloy ako nang di-oras. Binilisan ko naman ang pagkain ko at gusto ko nang matulog dahil nababadtrip ako sa mga nangyari at maaga pa ang klase ko bukas. Kaya naman na niya sigurong kumain ng mag-isa 'di ba? Pagpasok ko sa kwarto ay humilata agad ako sa kama at agad akong nakatulog. *** Nagising ako dahil bigla akong nilamig. Pagtingin ko sa oras ay 4:30 AM pa lang. Kahit masyado pang maagad ay bumangon na ako at naligo para magising ang diwa ko. After that, magluluto na sana ako ng kakainin ko pero naalala kong si Dylan pala ang nakatoka para sa pagluluto ngayon. Sinilip ko siya sa kwarto at tignan mo nga naman ang kumag na 'to, ang sarap pa ng tulog. Napaka-tulog mantika talaga. Lalapit na sana ako para gisingin siya pero bigla kong naalala ang nangyari kahapon kaya napaatras ako at napahawak sa lips ko. Oh my God, erase! Huwag mo nang alalahanin 'yun, Lyka! Lumabas ako sa kwarto at kinuha ko ang walis-tambo para ipanggising sa kanya. Pumasok ulit ako sa kwarto at pumosisyon sa gilid niya. "Hoy señorito, bumangon ka na po!" "Gumising ka na, magluluto ka pa!" This time, 'yung tambo na ang kinuskos ko sa katawan niya pero lintek, ayaw pa ring bumangon. Tadyak-tadyakan ko kaya 'to? Tignan ko lang kung hindi pa siya magising. Dahil naiinis na ako, pinatong ko 'yung tambo sa mukha niya kaya ayun, biglang bumangon. SUS! ETO LANG PALA KATAPAT MO EH! "Tsk. Ano ba Lyka?! Ang dumi-dumi nyan eh!" "Eto madumi? Eh mas madumi kaya mukha mo rito," sabi ko sa kanya habang nakapamewang. "Talaga lang? Mas maraming bacteria 'yang mukha mo. Kita mo nga o, may tigyawat nang namumuo," sabi naman niya habang nagkukusot pa ng mata. Ahh hinahamon ako nito ah! "Tsong, malinis ang mukha kong ito. Ni hindi pa nga 'to nadadapuan ng walis tambong pinangwalis ko sa labas ng bahay eh! Oops," sabay takip ko sa bibig ko na kunwaring nadulas sa pagsasabi. "Ano?!" "Ay pasensya na, naiwalis ko kasi 'to kanina eh. Sorry." Natatawa naman ako sa mukha niya. Akala mo may ginawa akong karumal-dumal sa kanya, eh. "Humanda ka talaga sa'kin. Nakakarami ka na ng atraso." Alam n'yo 'yung seryoso ang mukha niya pero gusto mong tumawa sa harapan niya, pero hindi mo magawa dahil baka bigla ka niyang sapakin? 'Yun ang pakiramdam ko ngayon. Sarap niyang tawanan kasi pikon. Ha-ha! "Natakot naman daw ako. Death threat ba 'yan? Padala mo na lang sa kuya ko ha?" "Tss." Tumayo naman siya at dumiretso sa kusina. After thirty minutes siguro ay nakapagprepare na siya ng breakfast. Sabay na rin kaming kumain kaso parang wala siya sa mood. Ay, so seryoso nga siya kanina? Mukhang galit, eh. Nauna na akong pumasok kahit maaga pa lang dahil maliligo pa lang siya. Tutal 6:00 pa lang naman ay naglakad-lakad na lang ako doon sa may freedom park sa campus. "Lyka!" Nagulat ako nung may narinig akong tumawag sa akin kaya hinanap ko kaagad kung saan nanggagaling. Napatigil ako sa paglalakad nung nakita ko siyang nakaupo lang sa ilalim ng puno. Ang cute niyang tignan and at the same time, ang cool. At anong pinagsasabi ko?! Halos isang minuto na yata akong nakatayo doon kaya tumayo siya tapos lumapit sa akin. Nagulat ako nung bigla niya akong hinila papunta sa pwesto niya kanina. Pagtingin ko sa baba... Pagkarating namin doon sa shade ng puno ay binitawan na niya ang kamay ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Grabe, ngayon lang ako nagpanic ng ganito sa physical contact sa isang lalaki! "Anong oras nga pala klase mo?" bigla niyang tanong kaya umayos ako. "S-seven pa. Ikaw?" "Nine." "NINE?!" Nakakainggit naman ang sched niya! "Bakit?" "So, uupo ka lang dito hanggang nine? Sigurado ka?" "Oo, boring sa dorm eh," sabi niya naman. "Bakit hindi ba boring dito?" "Nandito ka naman, eh." "Dapat sa—ha?" "Wala, sabi ko ang cute mo," sabay pisil niya sa pisngi ko. Biglang naging stiff ang mukha ko at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "Wait lang. Bibili lang ako ng drinks," sabi niya at mabilis siyang tumakbo palayo. Pagkaalis niya ay napasigaw ako. Bakit ganun siya?! "Joke lang 'yun. Joke lang 'yun. Joke lang 'yun. Okay?!" Jusko nasisiraan na yata ako ng ulo. After five minutes ay bumalik na rin siya. Pagtingin ko, dalawa ang hawak niyang juice. Binilhan niya ako? O baka sadyang nauuhaw lang talaga siya? "Here," sabay abot niya sa akin nung isa. "Thanks." Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang inuubos ang drinks. Hindi nga lang ako makatingin nang diretso sa kanya kasi nahihiya ako. Kaso nagulat ako nung pagtingin ko sa pone ko, 6:55 AM na. Napatayo tuloy ako bigla. Masyado yata akong nag-enjoy kaya hindi ko namalayan ang oras. Shocks, malelate na ako! "Sige pala! Late na ako! Bye!" Nakakailang hakbang na ako nung bigla siyang nagsalita. "Gusto mo hatid kita? Ayun 'yung sasakyan ko, o." Tinuro naman niya 'yung white car sa may parking area at biglang sumikip ang dibdib ko. Cars... "No! I mean, 'wag na. Sorry. Bye." Tumakbo na ako nun nang mabilis dahil ayokong magtanong pa siya. Ayoko lang talagang sumasakay sa mga kotse. I HATE CARS. Really. Umiling-iling ako para maalis sa isip ko ang pangyayaring 'yun. Tumakbo ako nang mabilis dahil malelate na rin ako. May quiz pa naman kami! Pagdating ko sa room ay halos kasabay ko lang si Sir Sales. Buti na lang! Ayoko namang makakuha ng zero sa quiz dahil lang late ako. "Wala tayong quiz ngayon, class. Kailangan nating maghabol sa lessons dahil nahuhuli na tayo sa ibang class." Pagka-announce nun ni Sir ay akala mo sinuspend ang klase dahil sa hiyawan ng classmates ko. Ako naman, nadisappoint dahil tinakbo ko lang naman ang Math Building mula freedom park na halos nasa magkabilang-dulo na para lang makaabot sa quiz, tapos biglang wala pala?! Wow. Grabe, nakakatuwa. Matapos ang klase namin ay didiretso na sana ako sa English class ko kaso may nakaharang na abnormal sa pintuan. "Wala raw klase," sabi niya bigla. "Talaga?" "Ayaw mo maniwala, 'di wag." Kita mo 'to. Tinatanong ko lang, galit na kaagad. "May sinabi ba akong 'di ako naniniwala? Naninigurado lang ako." "Tss. Dami mo pang sinasabi," sabay walk-out niya. Jusko. Umatake na naman ang mood swings niya! Dinaig niya pa ako kapag may period. Nuknukan ng sungit. Sinundan ko na lang siya dahil wala rin naman akong mapupuntahan. Kaso nagulat ako nung biglang may babaeng humarang sa kanya. "Dylan! Wala kayong klase 'di ba? Kami rin, eh. Let's eat!" Saka ko narealize na si Mei pala 'yun. "Sige," sagot naman ni Dylan. Aba, ngumiti ang loko. Nagulat naman ako nung biglang tumingin sa akin si Mei. "Lyka, tara! Sama ka na rin." Pagkasabi niya nun ay napansin kong nawala ang ngiti ni Dylan. Ohh-kay. I smell something fishy here. "Hindi 'wag na, kakakain ko lang." Right after kong sabihin 'yun ay parang nabuhay ulit ang dugo ni Dylan. Pfft. Masyadong halata ang reactions niya! Ngayon alam ko na ang pang-asar sa kanya. "Sasama na pala ako," sabay ngiti ko at bigla naman akong hinatak ni Mei. Nilingon ko si Dylan at nakakatawa ang itsura niya dahil para siyang papatay ng tao. Naglakad naman kaming tatlo papunta sa canteen at syempre nasa unahan kami ni Mei tapos nasa likod namin Dylan. Hah! 'Di mo masosolo si Mei! Akala mo ha? At mukhang ito na ang oras para makaganti. "Uhm...Mei, may tanong ako." "Ano 'yun?" "Sinong crush mo?" Na-shock naman silang dalawa sa tanong ko. Ewan ko kung bakit pero parang biglang nag-iba ang atmosphere. Saka ko narealize na masyadong personal ang tanong ko at hindi naman kami talaga close or friends man lang para sabihin sa akin 'yun. Masyado lang akong nadala ng kagustuhan kong asarin si Dylan kaya 'yun ang lumabas sa bibig ko. "Ahh ano, wag mo nang sagutin. Sorry, feeling close ako." Napayuko ako sa sobrang hiya. Kaya siguro hindi rin ako nagkaroon ng kaibigan nung high school ay dahil sa ugali kong 'to. "Okay lang 'yun, ano ka ba. Crush ko?" Ngumiti siya nang malapad habang nakatingin sa sapatos niya. "James ang pangalan niya," sabay takbo niya papasok sa canteen. Wait. Did I hear it right? James?
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |