Grabe, September na pala. Ang bilis talaga ng panahon. Saturday ngayon pero hindi ako umuwi dahil tinamad ako. Isa pa, nakakapagod bumiyahe. Noong sinabi ko 'yon kay Kuya ay pinagalitan niya ako. “Di ka na naman uuwi? Three weeks ka nang di umuuwi ah?” “Tinatamad ako, eh.” “Ano ba ‘yan. May papakilala pa naman sana ako sa’yo.” Pagkasabi niya no’n ay napabangon ako sa kama dahil sa gulat. Iba rin kasi ang tono niya kaya alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. “Teka lang, Kuya. May girlfriend ka na ba?!” tanong ko at ilang segundo siyang hindi umimik. “Hala totoo nga?!” “Naman, Lyka, huwag kang sumigaw. Ang sakit sa tenga,” reklamo niya pero halos sumisigaw na rin siya. “Sorry naman. Pero ‘di nga? May girlfriend ka na? Sino? Maganda ba? Mabait ba? Saan mo nakilala? Kailan ka niya sinagot? Mayaman?” “Ewan ko sa’yo, ang dami mong tanong. Sagutin ko na lang ‘pag umuwi ka. Bye.” “Teka—” Wala na. Binabaan niya na ako. Tsk. Gusto ko pa namang malaman kung sino ang malas na babaeng nagkagusto kay Kuya pero tinatamad talaga akong umuwi, pero ang nangungunang dahilan talaga ay wala na akong pera. Ayokong sabihin kay Kuya. ‘Di bale, sabi niya naman magpapadala siya sa Monday kaya hihintayin ko na lang ‘yon. Narinig ko naman ang pagkatok sa pinto kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at pinagbuksan siya. “James!” sabay ngiti ko sa kanya. Pinapasok ko siya at buti na lang ay umuwi si Dylan kaya walang epal ngayon. May dala siyang chips kaya naman sinimulan agad namin ang kwentuhan at siyempre, saan pa nga ba pupunta ang usapan na ‘to kundi sa love life naming dalawa. Sa dami ba namang nangyari nitong nakaraang linggo, eh. “O, ano nang gagawin mo?” tanong ko habang kumukuha ng potato chips. “Nothing. Hahayaan ko na lang sila,” sabay buntong-hininga niya at sa totoo lang ay gusto ko na siyang batuhin ng chips kanina pa. Sobrang gulat pa ako kagabi dahil tumawag siya sa akin at umaming may gusto siya kay Mei. Napalabas talaga ako sa unit at nawala ang antok ko no’n. Nagtanong pa nga si Dylan kung saan ako pupunta pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko nga in-expect na magugulat ako dahil ang akala ko, iba ang mararamdaman ko. Akala ko, masasaktan ako. Pero hindi. Nainis lang ako dahil sa desisyon niya. Ilang beses nang nagtapat sa kanya si Mei pero lagi niyang sinasabi na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa kanya pero heto siya, nagmumukmok dahil nasa iba na ang atensyon ni Mei. I asked him what was his reason and he told me that he was scared to risk their friendship. “Tapos ngayong wala na siya sa’yo, saka ka magrereklamo? ‘Yan ang hirap sa mga torpe, eh,” sabi ko naman at bigla kong naalala si Kuya. Buti pa ‘yon, nilakasan ang loob kaya mukhang napasagot niya ang nililigawan niya. “Bakit parang galit ka?” “Kasi naman, ang gulo ng utak mo.” “Hindi ako magulo, sadyang sinarili ko lang.” Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. So ano, magpaparaya na lang siya para kay Dylan? “Sa tingin mo ba, kaibigan pa rin ang magiging tingin sa’yo ni Mei?” seryoso kong tanong at umiwas naman siya ng tingin. “She wants to move on from you, James. Ibig sabihin, lalayo siya. Iiwas para mawala ang feelings niya sa’yo. Pagkatapos no’n, sa tingin mo, gano’n pa rin ang magiging pakikitungo n’yo sa isa’t isa?” Pagkasabi ko no’n ay ilang segundong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. “Mukhang masaya naman na silang dalawa, eh,” sagot niya at bakas ang lungkot sa mukha niya. “Tss. ‘Yong mokong lang naman ang masaya,” bulong ko at nakakainis dahil mukhang narinig niya ang sinabi ko. “Anong sabi mo?” “Wala. Sabi ko, ang bait mo.” Tinitigan niya naman ako na para bang binabasa niya ang isip ko kaya umiwas ako ng tingin. Kasi naman, bakit ko pa ba sinabi ‘yon? “May gusto ka ba sa kanya?” bigla niyang tanong. “Ha?! Wala, ah!” “Wala naman akong sinabing pangalan, ah?” saka siya ngumiti nang nakakaloko. Nakakainis. Pwede bang bawiin ko ang pagiging magkaibigan namin? “Ewan ko sa’yo.” “Grabe ka. Ako sinasabi ko ang sikreto ko sa’yo pero ikaw, pinaglilihiman mo ako,” sabay iling niya pa. “Pero halata naman sa mga kilos mo.” Pagkasabi niya no’n ay nanlaki ang mga mata ko at tinitigan ko siya. Obvious ba ako? Teka, seryoso? Parang hindi naman, ah. Saka, nito ko lang naman na-realize kung ano ang nararamdaman ko. Hindi naman siguro ako halata. “Uy, dalaga na siya,” pang-aasar niya at ginulo niya pa talaga ang buhok ko. “A-ano ba!” “Malaking factor talaga na magkasama kayo sa bahay. Pero mukhang pareho tayo, Lyka. Pareho tayong malihim.” “At least mutual ang feelings n’yo sa isa’t isa,” sabi ko naman at bigla niya akong tinawanan kaya namula ang mukha ko at hinampas ko siya ng unan. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi, bakit ba sa lalaking ‘yon pa ako nagkagusto? Oo. Gusto ko siya. Na-realize ko ‘yon noong ginagamot ko ang sugat niya. Nagbago ang tingin ko sa kanya simula nang biglaan niya akong sinet-up na gusto niya sa harapan nina James at Mei. He made my heart flutter and even though he likes to pull pranks on me, at the end of the day, he would always take care of me. Nakakainis ang mga gano’ng tao. Pa-fall masyado. “Ugh! Bwisit na Dylan ‘yan!” sigaw ko sabay baon ko ng mukha ko sa unan at humagalpak naman ng tawa si James. Hay. Ayoko na. Ayoko nang lumalim ‘to dahil panigurado, masasaktan lang ako.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |