.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 27, 2014


***

SOBRANG init! And I’m lucky dahil wala akong payong. Great. Idagdag pa na sobrang sakit na rin ng paa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dito. Nasaan na ba kasi yung lugar na ‘yun?!          

Bigla namang may lumabas na babae galing sa tinititigan kong bahay. Mabuti pa’t magtanong na lang ako. Wala naman akong mapapala kung magpapagala-gala lang ako rito at masunog sa sikat ng araw nang hindi man lang nalalaman kung saan ba ako pupunta.

“Uhm, excuse me po Ma’am.”
Nginitian ko siya. “Alam n’yo po ba kung saan ‘yung mga apartment na pinapaupahan ni Mrs. Gonzales?”

“Ahh, ako si Mrs. Gonzales. Mag-iinquire ka ba?”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa wakas ay nahanap ko na si Mrs. Gonzales. Dito lang pala ‘yun? Kung saan ako mismo nakaharap? Tapos ang napagtanungan ko pa ay ‘yung mismong may-ari. Sana pala naghintay na lang ako rito kanina imbes na paikut-ikot pa ako sa buong campus.

Nginitian ko na lang ulit si Mrs. Gonzales at tinanong ko sa kanya ang pakay ko rito.

“Opo. Magkano po ba per month?” Sana mura lang, please?

“Three thousand pesos per month. Pero malaki naman ‘yung room. Gusto mong makita?” Agad-agad naman akong tumango.

Nag-tour naman kami doon sa mga apartment. In fairness, malaki nga para sa isang tao! Kinuha ko ‘yung number 7 na nasa second floor dahil dalawa na lang ‘yung bakante. Yung isa nasa pinakadulo, ayoko naman nun dahil nakakatakot kapag nasa dulo ka. Nagbigay ako sa kanya ng deposit at saka advance payment after kong mag-agree sa mga sinabi niyang rules and regulations at pwede na raw akong lumipat next week dahil mabilis namang ayusin ‘yung unit na nakuha ko.

Dahil tanghali na nung makaalis ako doon sa apartment, kumain muna ako sa
Jollibee tapos bumiyahe na rin pauwi. Natulog lang ako buong byahe. After 2 hours ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, tumakbo agad ako sa kusina dahil nandoon sya at nagluluto.

“Hoy kuya! Nandito na ako!” Talagang sumigaw ako at napatigil naman siya sa ginagawa niya, sabay tingin sa akin.

“Oh? Kamusta biyahe? May nahanap ka ng apartment?”


“Ahh, oo—”

“Magkano? Kailan ka lilipat?
Malaki ba?”

“Pwede na—”

“Malapit lang ba sa campus?
Maganda ba? Anong—”

“KUYA ANO BA!”

Sinigawan ko talaga siya dahil paranoid na naman siya. Pero natawa ako nung gulat na gulat ang expression niya at talagang nanlaki pa ang mga mata niya. Akala mo nakakita ng multo eh!

“Hindi ka naman masyadong excited magtanong ‘no? Ang dami eh! Nagmamadali? Nagmamadali?” Tinawanan naman nya ako. Sinikmuraan ko nga.

“Aray! Ang sakit nun ha! Pinagbabawal na bang tumawa ngayon? Pasalamat ka di ako nananakit ng babae.” Aba! Di raw nananakit? Wala nga siyang dugo ng pagiging mabait eh!

“Sus! Talaga lang ha? Eh kung isa-isahin ko kaya lahat ng karahasan mo ha? Pinalo mo nga ako nung grade 1 ako eh, tapos binalot mo pa ako sa kumot nung grade 4 dahil kinain ko ‘yung cake mo! Pinalo mo rin ako nung—”

“Oy, ibang kaso naman yun!” sabay inom niya ng tubig na para bang napahiya. Guilty!

“Kahit na no? Nanakit ka pa rin. Di raw nananakit? Five thousand nga pala yun per month. Next week na ako lilipat.”

Buti talaga malayo ako sa kanya, kundi shower time talaga ‘yun para sa akin. Ibuga daw ba yung tubig na iniinom niya?! Tinapik-tapik ko naman yung likod nya nang malakas.

“Hinay-hinay lang kasi sa pag-inom!
Ang dami-dami nating tubig dyan oh,” sabay tapik ko pa ulit sa likod niya na may halong pang-aasar.

“Tsk, ano ba! Tama na nga! Tsaka teka! Bakit ang mahal?! Wag ka dun mag-rent! Maghanap ka ng iba!”

Pinipigilan ko naman ‘yung sarili ko na huwag tumawa. Hinayaan ko lang siya magsalita at halatang ayaw na ayaw nya doon sa pinagrent-an ko. Ang dami niyang sinabi nung sabihin kong five thousand per month ‘yung rent doon to the point na nilait niya na talaga pati si Mrs. Gonzales na akala mo ay kilala niya. Ang sarap talagang lokohin ng kuya ko minsan eh. Parang bata kasi ‘yung facial expression at madaling maniwala sa sinasabi ng iba.

“Hahaha! Kuya, three thousand lang pala. Sayang, may kupit sana akong two thousand per month oh! Tsk. Pasalamat ka kuya, mabait ako.” Pagkasabi ko nun ay para siyang papatay ng tao.

“Kung ayaw mong mapalo ‘tong sandok sa ulo mo, layuan mo ako.” Napaatras naman ako ng di-oras dahil sa naka-ready niyang sandok sa right hand at takip ng kadero sa left.

“Sabi ko nga aakyat na ako!” tapos tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong naglinis ng katawan at nagbihis. After nun, humilata lang ako sa kama.

Hay! I can’t believe it. Parang nung mga nakaraang buwan lang, high school pa lang ako. Then next week, tutungtong na ako sa next level, which is college. Nakakalungkot nga lang at hindi na makikita nina Mama at Papa na mag-college ako. Namatay kasi sila sa isang car accident nung 1
st year high school ako at si Kuya naman ay 1st year college nung mga panahong ‘yun. Buti na nga lang at nandyan si Kuya. Kahit nag-aaway kami lagi, mahal na mahal ko ‘yan dahil hindi ko siya nakitang nag-give up nung mamatay ang parents namin. Siya ang naging second parent at best friend ko. Hindi rin kasi ako masyadong friendly. I mean, hindi ako ‘yung tipong unang mag-aapproach sa’yo kaya wala rin akong masyadong friends. Pero ayos lang, sanay naman na ako. Kaya nga hindi ako nalulungkot kahit mag-isa lang ako sa batch namin na papasok sa university na papasukan ko ngayong college. Pero ang mahirap lang ay malayo yung university sa bahay namin dahil sa Laguna pa ‘yun kaya kailangan kong mag-apartment. Dapat nga dorm lang kasi mag-isa lang naman ako, pero ayaw ni kuya dahil mahirap daw mamuhay doon lalo na kung ubod ng bagal ang mga kasama mo. 

“Hoy Lyka Kristell Alonzo! Kanina pa kita tinatawag. Nabingi ka na ba? Kakain na.” Nagulat naman ako nung nakita kong nakatayo na pala si Kuya sa may pintuan ko. Masyado atang napalalim ang iniisip ko kaya ‘di ko siya narinig at napansin!

“Oo na panget na Kyle Adrian Alonzo!” Ginaya ko na lang siya dahil binuo niya rin yung pangalan ko kanina.

Bumaba kaming dalawa at kumain. After that, nag-asaran ulit at natulog na rin agad. The next three days, nasa bahay lang ako at kung anu-ano lang ang pinaggagawa ko. Pero after nun, natulog ako nang maaga dahil pupunta raw kami bukas ni Kuya sa apartment. 

Kinabukasan, bumiyahe kami ng maaga papuntang Laguna para makapag-ayos sa apartment. At heto ako ngayon, nakatayo lang sa may pintuan.

“Hindi porque sinamahan kita rito, ‘di mo na ako tutulungan. Tama na ang pagtunganga dyan! Tara rito!” Kita mo ‘to. Iniistorbo pa ako sa pagpapahinga  ko eh.


“Oo na. Andyan na po! Andami pang sinabi eh.”

“Good girl,” tapos ngumiti ng nakakaloko.

Sa buong maghapon ay nag-ayos lang kami ng gamit ko. Inilabas ko lahat ng gamit sa bag at maleta ko, pati na rin ‘yung mga kahon na dala-dala namin ni Kuya. Grabe pala!
Kahit konti lang ‘yun, inabot pa rin kami ng magdamag sa pag-aayos.

Noong bandang alas-singko na ng hapon, umalis na si Kuya kaya mag-isa na lang ako rito. May work kasi siya sa Manila na di niya maiwan kaya ‘di siya pwedeng mag-stay dito. Buti medyo maayos na ‘yung apartment kahit papaano. Kaunti na lang ‘yung mga nakakalat na gamit.
Nag-ayos-ayos din naman ako ng mga damit at personal things ko hanggang 8:00 PM. Kumain na lang ako sa labas dahil tinatamad na rin akong magluto. Nakakapagod kayang magligpit! Sumakit lahat ng muscles at butu-buto ko sa katawan ha!

Noong wala na akong magawa, humilata na lang ako sa kama ko. Gusto ko na sanang matulog pero di naman ako makatulog. Nahohomesick ako! As in ilang oras na talaga akong dilat. At pagtingin ko sa cellphone ko, alas-tres na. Great. Sa pagkakaalam ko, may campus tour pa talaga bukas, I mean mamaya, ng 7:00 AM eh. Patay talaga pag di ako nagising mamaya.

Pinilit ko namang matulog. Pero sobrang babaw to the point na nagigising ako every hour. Kainis talaga! Hindi ako makatulog nang maayos! Hanggang sa…


“Ahhhhh!” Napabalikwas ako sa kama at agad-agad kong chineck ang phone ko. Nagbibiro ba ‘to? Hala 6:45 AM na! Malelate na ako!

Napakilos ako nang mabilis. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero sa loob ng fifteen minutes ay nagawa kong maligo, magtoothbrush, magbihis at kumain ng isang biscuit. Dahil kung anu-ano pang inatupag ko after nun at naaaligaga na rin ako, nakaalis ako sa bahay ng 7:15.  Lagot na talaga ako. Super late ako.

Tumakbo ako papunta doon sa harap ng administration. Pero laking pasasalamat ko talaga nung nakita kong hindi pa nagsisimula yung campus tour pagkadating ko. Humabol ako agad kasi pinag-group kami according sa mga course namin. Pero dahil around hundred students per course, hinati pa ulit ‘yun sa tatlo, or apat sa iba na masyadong marami. So, 25-40 kami per group, or kung tawagin nila ay per block.

Nagsimula na ang tour at nag-ikut-ikot kami sa campus. Pero grabe, hindi ko naman akalain na sobrang laki ng campus na ‘to! Sumakit bigla ang mga paa ko. Ang lalayo pala ng buildings sa isa’t isa! Sumasakit na agad ang ulo ko dahil iniisip ko kung paano ako pupunta from one class to another kung magkabilang dulong building ang mga klase ko.

Habang tumatagal ay nakakabisado ko na ‘yung buildings at kung saan sila makikita. Nagdrawing ako sa pocket notebook ko ng buildings at names nila kung sakaling maligaw man ako. Kaso ‘di ko maalala kung  saan ‘yung Math building. Gusto ko sanang itanong doon sa nag-aassist sa amin kaso nasa unahan siya at medyo nasa gitna ako. Kaya wala akong nagawa kundi kalabitin na lang yung katabi ko.

“Uhm excuse me po? Saan nga ulit yung Math Building? Kanan o kaliwa?”  tapos tinuro ko ‘yung way na dinaanan namin kanina.


“Hindi ka ba nakinig? Saka bakit ko sasabihin sa’yo?” Napaatras ako dahil nagsasalubong na ‘yung kilay ng kuyang kinausap ko. Tss. Sungit! Salamat ha, doon pala ang Math Building!


“Kala mo naman kung sinong magaling.
Siguro ‘di nya lang rin alam  at nagpalusot lang!” bulong ko na lang sa sarili ko. Kainis. Tinatanong ko lang naman kung saan yung Math Building eh. 

“Anong binubulong-bulong mo dyan? Ha?” Aba, akalain mong narinig niya ‘yun?


“Hindi ka ba nakikinig? Saka bakit ko sasabihin sa’yo?” sinabi ko na lang sa kanya at pati ‘yung pagkunot ng kilay niya ay ginaya ko. Pero nung ginawa ko ‘yun, lalong nagsalubong ‘yung kilay niya at parang umuusok na ‘yung ilong niya kaya napalayo talaga ako. Buti na lang at tumalikod na siya sa akin. Naasar ata ng todo. Haha! Buti nga!

Sabi ko sa inyo eh. Hindi talaga ako sociable na tao. Kapag nakikipag-usap ako, it’s either dinedeadma lang ako or inaaway ako.

After two hours, natapos rin ‘yung campus tour namin.
Sa wakas! Nagutom ako dun ha? Akala ko may pakain sila after ng tour, pero wala! Umasa pa man din ako sa free lunch. Tsk. Dahil nagugutom na rin ako, pumunta na lang ako sa convenience store.

Pagkapasok ko, agad kong pinagkukuha ‘yung mga tinapay, chips, inumin, tapos may chocolates at candies pa. Basta gutom ako. At, gastos na naman ito! Pagkabayad ko sa counter, fifty pesos na lang ang natira sa 200 pesos kong dala. Dumaan naman ako doon sa may mga alak dahil may malaking salamin akong nakita doon kanina. Mag-aayos lang ng sarili dahil feeling ko ang dugyot ko na after ng campus tour. Kaya lang, pagkaharap ko doon, ang pangit ng view na nakita ko sa salamin. Naalala ko ‘yung mukha niya. Siya ‘yung lalaking pinagtanungan ko kanina kung saan yung Math Building pero ‘di ako sinagot nang maayos! Sa lahat naman ng pwedeng makita, bakit siya pa?

“Uy!” tapos bigla siyang tumawa nang tumawa. Baliw siguro ‘to? ‘Di ko nalang pinansin. Mukha siyang ewan dun na tawa nang tawa mag-isa.

“Wag mong titigan ‘yang salamin at baka mabasag!
Talagang pumunta ka pa dyan para lang magsalamin? Wala ka bang salamin ha? At saka, ‘di ka ba nahihiya sa ginagawa mo?”

Sabi ni Kuya, ayaw niya raw akong galitin kapag gutom ako.
Ngayon alam ko na kung bakit. Sobrang ikli ng pasensya ko kapag nagrereklamo na ang tiyan ko. At dahil sa sobrang inis ko, humarap ako sa kanya para pagsalitaan siya ng mga salitang nabubuo sa ulo ko. Kaso, mukhang maling move ang ginawa ko.

“OH MY GOD.”

Halos huminto yung mundo ko sa nangyari. Sobrang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pa—paano ‘to? Paano ‘to?! Hala. Patay na. Ayoko na! Kasalanan niya ‘to eh! Kung hindi siya nagsalita, eh di sana walang mangyayaring ganito!

Lalo akong kinabahan nung nakita ko sa salamin na papunta rito yung isang staff ng convenience store. Ang alam ko lang, sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at gusto ko nang lamunin ng lupa sa ngayon. At ayokong marinig ang sasabihin ng staff! 

“Sinong nakabasag ng mga alak?!”

Help?


***