***


“Oh my gosh! Ang ganda talaga ni Tiffany no?”
“Oo nga eh, sabi nila valedictorian din daw yan nung high school!”

Eto na naman sila. Sana kung pinag-uusapan nila ako eh wag nilang iparinig sa akin. Nagbubulungan pa ba sila ng lagay na yan?

“Sikat ka na talaga Steff!” sabi ni Alice sa akin with matching alog pa sa balikat ko.

“Of course! She’s one of the Campus Princesses!” isa pa ‘tong si Yna! Ano ba yan!

“Ewan ko sa inyong dalawa. Aanhin ko yang Campus Princess na yan? Buti sana kung nakakain yan eh.” inunahan ko nalang silang maglakad. Kukulitin na naman kasi nila ako.

“Swerte ka nga at nakuha ka eh. Yung iba gustung-gustong maging Campus Princess.” Sabi ulit ni Alice sa akin habang humahabol silang dalawa sa mabilis kong paglalakad.

“She’s the only one who doesn’t want that title!” sige pa Yna, isigaw mo pa.

“Eh ayoko naman talaga eh! Bakit ba kasi may gani-ganito pa? Nakakairita lang!”

Sa totoo lang, ayoko sa university na ‘to. Pinilit lang ako nitong mga bestfriends ko. Oh di ba? Ang bait ko lang dahil pinagbigyan ko sila. Ibang klase kasi eh. Yung top 10 sa entrance exam, na may itsura, take note, dapat maganda or gwapo ka, ang magiging campus princesses at princes. Yung mga matataas ang grades pero di gusto ng Administration yung itsura, Brains of the Campus naman. Ang daya no? At napaka-unfair pa. Kamusta naman ang discrimination, di ba? At sa kamalas-malasang result, pang-lima ako sa listahan. Ni hindi ko nga alam kung paano nangyari yun. Hindi naman kasi ako nag-aral no! Hinatak lang talaga ako ni Alice at Yna, kaya nag-entrance exam ako. So, back to the list. Ang pumasok? 6 girls and 4 guys. Naaawa nga ako sa mga nasa top pero di napapansin ng mga tao dahil sa, you know, appearance. Gusto pa nila yung may itsura. KAKAINIS KAYA! Ang masaklap pa, pino-post nila yung mga campus princes and princesses sa announcement board. Tss. Sinong hindi mamainis, right?

“Steff! Tara na! First day of classes, gusto mo na agad ma-late? Si Yna nasa room na.” ni-lecturan na naman ako ni Alice. Lagi naman eh.

“Okay!” tumakbo na ako papunta sa room. Phew! Buti di pa dumadating yung prof namin.

“Ang ganda niya no?”
“Yeah, she’s like a goddess.”

Err. Eto na naman! Ewan ko sa inyo! Goddess niyo pagmumukha niyo! Pwede pa sana kung ako ang Goddess of Strawberries, para lagi akong nakakakain nun! Hindi kung maka-goddess sila akala nila sobrang ganda ko. Kainis.

“Good morning class! Nice to meet you!”

Whoa! Andito na pala sa room yung prof namin? Di ko napansin! Kasalukuyan kasing iniinvade ng sandamakmak na strawberries ang utak ko. Hala, ayan na, nagccrave na naman ako!

“Oh! Andito pala ang dalawa sa campus princesses!”

Huh?

“Ms. Tiffany Damian and Ms. Alexa Natividad!"

Bigla nalang nagsigawan sa room. Okay. Bakit pa kasi in-announce? Para namang big deal yun! So what kung Campus Princess kami? Hello?! Estudyante pa rin naman kami dito no! Eto namang Alexa, I forgot the surname, feel na feel ang fame. Gustung-gustong pinupuri ng mga classmates eh! May pa-thank you thank you pang nalalaman. Yuck.

“Steff, calm down!”

Napansin ata ako ni Yna at Alice na nakabusangot na ang mukha kaya inaawat na nila ako. EH SA NAKAKAIRITA EH! First subject pa lang, sira na agad yung araw ko. Bakit nga ba kasi ako nag-enroll dito?!

Nagsimula naman agad si sir Enriquez, yung prof sa harapan, na magsalita. Nagpapasa lang siya  ng student profile. Eto na naman? Nakakatamad talagang sagutan yung mga ganito no? Paulit-ulit nalang yung sinusulat mo. Tapos nag-introduce lang at nagsabi ng kaunti about sa subject matter and then dismissed! Halos 30 minutes lang ata yun. Eh one and a half hour yung klase niya. So free time ng isang oras! Yahoo!

Ah. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Let me introduce myself. Ako nga pala si Tiffany Damian. Pero ang tawag sakin ng family at mga close friends ko ay Steff. Yung Daddy ko kasi pauso eh. Dapat daw talaga Steffany yung pangalan ko, kaso ang naisulat nung nurse eh Tiffany. Ang layo di ba? Ayun. Nagmukmok daw si Daddy sabi sakin ni Mommy nung araw na yun dahil ang tagal-tagal nya raw pinaglaruan yung pangalan nilang dalawa ni Mommy para mabuo lang yung pangalan ko. Tapos mali naman daw pala yung masusulat.

HAHA. Parang bata lang no?

Steven Francis Damian ang name ng Daddy ko. Palibhasa sa States pinanganak kaya ganyan ka-sosyal ang pangalan. Si Mommy naman, Alice Nicole Soriano. Sosyal din no? Astig magpangalan ng lolo’t lola ko eh! Siguro naman alam nyo na kung paano na-form yung Steffany? Ang adik ng tatay ko. Akalain mong naisip niya yun?

Syempre may kapatid akong isa. Mas bata sa akin ng 2 years. Si Venice. Imbento na naman ni Daddy. Alam niyo na kung saan galing. Ah ewan. Third year high school na siya ngayong school year. Galing din ako sa school niya nung high school.

I’m already 16 at 1st year college na sa Kingdom University. Oo. Kingdom University ang pangalan ng school na pinapasukan namin ngayon. Corny ng name di ba? Di ko akalain na may ganito palang school ditto sa area namin.

Meron naman akong dalawang best friends. Si Yna Shin at si Alisson Jane Diaz, yung mga kausap ko kanina. Best friends ko sila since elementary at di kami nagkahiwa-hiwalay kahit sa pinasukan naming mga schools. Oh diba? Ang tatag? 

“Where are we going?” tanong bigla sa amin ni Yna.

“Sa cafeteria na lang. At pwede pa Yna, magtagalog ka naman!”

Natawa naman ako sa sinabi ni Alice. Actually, half-korean si Yna kaso sa States siya lumaki pero marunong din siya mag-korean. Every summer, nagbabakasyon sila ng family niya sa Korea. Matagal na siya rito sa Pilipinas kaso medyo di pa maayos yung iba nyang tagalog words. Pero naiintindihan nya yung mga usapan na tagalog. Di lang talaga niya mabigkas ng maayos.

“Eh, na..kakamali pa rin akho sa ibang wolds eh.”

“Yay! Ang cute mo kayang mag-tagalog Yna! CUTE!” sabi ko sa kanya with matching giggle pa. Ang cute ng best friend ko! Actually, natuto nga kami ni Alice mag-korean ng dahil sa kanya eh.

“So, tambay lang tayo sa cafeteria ha? Di pa ako nagugutom eh.” sabi naman ni Alice. Malamang. Kasisimula pa lang talaga ng class eh.

Dun kami umupo sa may gilid dahil nga ayoko ng masyadong maraming tao na nakatingin. Para kang tutunawin sa mga titig nila eh. Plus yung mga sinasabi pang kung anu-ano.

Naalala ko tuloy nung enrollment. Dun ko nalaman yung tungkol sa Campus princes at princesses. Eh paano ba naman?! Nakapost yung pangalan at pictures namin dun sa announcement board! Kainis di ba?! Sino ba namang hindi maiinis kung yung pagmumukha mo ay pinagtitingian ng mga tao! Buti nalang may iba akong karamay. Natandaan ko nga yung mga pangalan nila eh. Pero pangalan lang, ayoko kasing tinatandaan pati surname. Katamad.

1.       Patricia                
2.       Jessica
3.       Darryl
4.       Patrick
5.       Tiffany
6.       Charmaine
7.       Gisel
8.       Kevin
9.       Lalaine
10.      Alexa

Oh diba kabisado ko? So far, si Alexa pa lang ang nakikita ko. Maganda siya at matalino kaya napasama diyan.

Ako kaya? Bakit ako kasama diyan? No?

“Steff, kamusta si Venice? Tagal ko na yung di nakikita ah?” biglang tanong ni Alice.

“Yeah! How is she?” nakigatong pa ‘tong si Yna.

“Ayos naman. May pinapabili nga kay Daddy kaya mabait ngayon eh.” Sabi ko nalang, sabay tingin sa ibang tao. Ang dami palang tumatambay ditto sa cafeteria ng ganitong oras?

“Haha. Mag-ate nga kayo! Magkaugali eh!”

Napatingin ako bigla kay Alice at napatawa sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh. Pag may kailangan ako eh super bait  ko kay Daddy. AS IN MABAIT. Haha.

“Hey let’s start walking. We only have fifteen minutes before our second class starts.” tumayo na kami at baka ma-late pa. Kaso biglang nagtilian yung mga babae. Anong meron?

“Ang cute ni Kevin!! Super!”
“Grabe! Ideal boyfriend ko na siya! Gwapo!”

Okay. One of the Campus Prince. Kevin? Natatandaan ko yung name niya. So siya pala si Kevin. Hmmm, cute nga.

“Let’s go na Yna, Alice.” Aalis na ako dun bago pa nila mapansin.

Nung nasa pintuan na kami,

“Whoa! Si Tiffany oh! Ang ganda niya dude!”

Pwedeng pahingi ng tambo? Sarap hambalusin ng mga ‘to eh! Akala ko pa naman makakaligtas na ako sa kanila!

“Wow! Isang campus prince at princess! Ang cute!” nakisama pa ‘tong si Alice at Yna.

“Shut up Alice and Yna. Naiirita na nga ako eh.”

“Sorry.”  Natigilan ako nung biglang yumuko si Yna. Ugh. Nadala na naman ako ng emotions ko.

“Okay lang. Halika na!”

Hinawakan ko yung mga kamay nila tapos tumakbo kami palabas ng cafeteria. Mabilis at walang poise na pagtakbo? That’s what you call a great escape. Oh yeah! Nakatakas ako!


***