***

“Huh?!”

Teka nga.. teka lang! Ipaprocess  ko lang sandali!
Tulungan saan? Mag-move on? Kanino? Kay Tricia? Bakit? Dahil mahal pa niya?

Aahh okay.
PERO BAKIT AKO?!

“Wait! Why me?!” Napakamot naman siya sa batok niya.
“Err, ikaw lang naman ang close kong babae.” Ako lang? At sinong may sabing close kami?!
“Huh?!”
“Dali na kasi. Please? For the sake of strawberries and chocolates?”

Kita mo ‘tong lalaking ‘to. Gagamitin na naman ang weakness ko! Napakasamang nilalang!

“Ayoko nga!”
“Aish. Nagmamakaawa na nga ako oh!”

Wow ha? May nagmamakaawa bang sumisigaw at nagrereklamo pa? Bahala ka dyan. Pero bigla akong may naisip na plano. Hmm. Shems. Ito na yun! Bwahaha!  

“Hmmm, sige.” Gulat na gulat naman yung facial expression niya nung bigla akong nagsalita.
“Talaga?! YEHEY---” pinigilan ko muna siya sa pagdidiwang.
“Hep, hep! ---”
“Hooray?”

Binatukan ko siya bigla. Bwiset. Ang corny masyado!

“Aray ko!”
“Hooray ka dyan?!”
“Eh sabi mo hephep eh!” Ugh. Pwede bang batukan ‘to ulit?
“Whatever. Pero sa isang kondisyon..”

Nag-isip naman siya. Aba, dapat lang na pumayag siya no!

“Okay, ano yun?”
“Bibilhan mo ako lagi ng chocolates at strawberries. ARAW-ARAW. Gusto ko marami! Ano, deal?”
“WHAT?!”

Tss. Ayaw pa pumayag eh! Ang dali-dali lang naman ng hinihingi ko!

“Ayaw mo? Edi wag.” Sabay tayo ko at wawalk-out na sana.
“Aish. Fine, fine! Maghihirap ako dahil sa’yo eh

YES! This is heaven! Libreng strawberries at chocolate araw-araw! OMG!
Ay teka nga! Paano ko pala siya tutulungan?

“Hoy! Ano bang gagawin ko?” Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Err. Bakit ba kapag ganito eh goosebumps ang inaabot ko? Ang creepy ng pagkatao ng freak na ‘to!

“Hoy ano nga?!” Ayaw pa sabihin eh! Pa-suspense masyado.

“Act like my REAL girlfriend.” Napatigil ako sa sinabi niya. Shemay. Ano daw?!

“Baliw ka ba?! Bakit ko naman gagawin yun?!” 

“Just do it. Pag nakikita mong lumalapit ako sa kanya, ilayo mo ako. Pag nakikita mong tinitignan ko siya, takpan mo mga mata ko. Pag nakikita mong sinusundan ko siya, hatakin mo ako. Gusto ko, lagi akong nasa tabi mo.”

Bakit… Bakit ang bilis… Ang bilis ng tibok ng puso ko? Naabnormal na ata. Ah. Alam ko na. Siguro dahil hindi lang ako sanay na may sense yung sinasabi niya. Phew! Grabe. Nakakakaba pala pag nagiging totoong tao siya! 

“Huy, ayos ka lang?” nag-snap siya sa harapan ko.

“Uh! Ay, oo.. hahaha.. Ba..bakit parang ano.. uhm, ang hi.. ang hirap ata?” 

“Hindi yun mahirap. Kailangan ko na talagang mag-move on eh.” Bakit kaya? Eh last Friday nagbatian naman sila ah? What does that mean?

“Eh bakit ba kasi kailangan mo pa ng katulong sa pagmomove-on? Ang weird mo ha!”

“Kasi di ko kayang mag-move on mag-isa?”

“Eh, bakit?”

“Kasi mahirap?”

Mahirap ba mag move-on? Err. Malay ko ba? Ni wala pa nga akong first love eh. Wala akong alam sa mga ganyan-ganyan. Pero fine! For the sake of chocolates and strawberries! Para naman ‘to sa kaligayahan ko eh. Mwahaha!

Bigla namang nagkwento si Darryl ng kung ano. Ewan ko. Hinayaan ko nalang siyang magsalita. Pero in fairness, nakikinig ako sa mga pinagsasabi niya ngayon, kahit yung iba walang sense. Nakakatawa nga yung iba kasi kinukwento niya rin yung mga kapalpakan niya sa buhay. Bwahaha! Muntik na daw siyang makalunok ng piso! Pfft.

“Hoy Steff, marunong ka naman palang tumawa at ngumiti eh! ”
“Hoy rin Darryl, anong akala mo sa akin, robot?”

Tss. Sa kanya lang naman ako hindi ngumingiti dahil nang-aasar siya lagi! Sino ba namang matutuwa dun? Alangan namang ngumiti ka at tumawa habang inaasar ka?

“Oy, Steff.”

“Ugh. Ano ba? Wag mo nga akong  tawaging Steff!” kinikilabutan talaga ako eh!

“Bakit naman?”

“Duh? Di naman tayo close no!”

“Hindi pa ba tayo close.. sa lagay na ‘to?” then bigla siyang lumapit sa akin. As in sobrang lapit ng pagmumukha niya sa mukha ko.

“A..ano ba!”

“Hahaha! What a face, Steff!”

“Bwisit ka! Sabing wag mo akong tawaging Steff eh!”

“Hmm. Okay Mrs. Garcia.”

Then binuksan niya yung Tupperware at saka siya kumain na parang wala siyang masamang ginawa. Lechugas! Anong sabi niya?!

“Anong sabi mo?!”
“Bakit?”
“Bakit bakit ka pa dyan!”

At talagang painosente face pa siya ha? Kainis! Idagdag niyo pa na pinagtitinginan na kami ng mga tao ditto kasi ang lakas ng boses namin! Eh pano, hina-highblood na naman ako dahil sa kanya!

“Wala. Sabi ko ang cute ng girlfriend ko. Ay hindi pala kita girlfriend…”

Ano na naman bang pinagsasabi niya?! 

“…asawa pala kita! Tara na nga.”  then hinawakan niya yung kamay ko at hinatak niya ako palabas ng campus.

After nun ay nakarinig ako ng malakas na sigawan sa garden. Napayuko nalang ako. Titignan ko nalang mamayang gabi yung underground website. Panigurado, andun na naman kami.


***