***

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, naghilamos agad ako ng mukha. Phew. Lecheng Darryl yun! Kung anu-anong pinagsasabi! Wala na namang magawa sa buhay niya!

Nagbihis nalang agad ako at dumiretso sa kama. Then syempre, tinignan ko yung mga pagkain ko. Nag-iwan ako ng isang chocolate sa desk tapos nilagay ko sa ref lahat ng binili ko. Then, yung bag ko—wait. Nasaan yung bag? Hala, bakit wala dito yung bag?! Nasaan na yun?! Waaah shemay! Baka naiwan sa sasakyan nila!

Mabilis kong kinuha yung phone ko sa isa kong bag at tinawagan ko kaagad siya.

“Hello? Bakit?”  Phew! Buti nalang at sumagot.“Kuya! Dali na kasi paturo na!”  si Warren yun ah? Ayos, may academic bonding pa sila ng kapatid niya. Pero teka! Hindi yun ang dahilan kung bakit ako tumawag!

“Waaaah! Nakalimutan ko sa kotse niyo yung strawberry bag ko na binili mo!”

“Tss. Bakit mo kinalimutan?..Napakaduga mo kuya! Maglaro ka sa PSP ko kapag tapos mo na akong turuan!”

“Eh nakalimutan ko eh!”

“Tss. Fine. I’ll bring it tomorrow.. Dali na kuya! Number 9 na oh!”

“Talaga? Yey! Thanks!” then binabaan ko na siya.

Whew! Buti nalang! At in fairness to them, bonding moments talaga nila ha? Ang lakas lang ng boses ni Warren at naririnig ko yung pagrereklamo niya kanina. Haha.

Syempre, kinain ko kaagad yung chocolate. Binuksan ko rin yung laptop ko. Nandun kasi yung reviewer ko para sa exams ko bukas. Oh di ba? Lakas ng loob kong maggala samantalang may exam ako bukas.

Nagreview review lang ako nung e-books tsaka ng notes ko. Pero dahil masyadong boring, nag-internet muna ako. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong dalawin yung underground website ng school namin.

Pagtingin ko, number 1 pa nga rin yung Royalty Kiss chuchu na yun. Psh. Kakainis talaga! May picture pa eh! Ugh! Nasayang yung first kiss ko sa lecheng hinayupak na freak na yun. Pinangarap ko pa man din na isang romantic kiss ang magiging kapalaran ng first kiss ko, pero wala. Naging balahura.

Tinignan ko naman yung number 2.

Tug of Love between two princesses

There was a rumor spreading about these two princesses and a prince. This was said to be a past and present competition. Some have witnessed the princess from the past, talking and smiling with the said prince these past few days, while the princess from the present is not around. Does the princess from the present know this?

Okay. Ano daw? Grabe ha. Andami nilang nakakalap na tsismis dito. Eto ba ang pinagkakaabalahan ng mga admins sa site na ‘to? Nakakapag-aral pa ba sila ng maayos? Eh kasi naman. Kamusta naman kasi yung mga scoop nila? Sobrang up-to-date at talaga namang detailed pa yung iba.

Babasahin ko na sana yung number 3 kaso biglang nag-vibrate yung phone ko. Tsk. Ano ba yan? Bakit text? Akala ko naman may tumawag na. Oh well, mabasa na nga, baka importante.

Pagtingin ko, galing kay Darryl.

From: Darryl
Okay. Let’s meet next week. This will be the last time, Tricia.

Naguluhan naman ako sa nabasa ko. Tricia? Sino naman yun? Ang alam kong pangalan ko ay Tiffany at certified pa yun ng NSO. Shunga-shunga lang siguro ‘tong lalaking ‘to at nagkamali ng pagsend. Tsk tsk.

Dahil tinatamad akong magtext, tinawagan ko siya. Sumagot naman agad siya.

“Hello?”
“Hoy! Wrong sent ka! Hindi ako si Tricia!”
“Oh shit.” Aba? At may kasama pang mura?
“Ano ba yan. Sa susunod kasi—”
“Don’t mind that message. Bye.” And then binabaan niya ako.

Okay. Now what’s wrong with him? Parang kakaiba siya ah? Ewan ko lang ha. Pero parang nawala yung devious aura niya at yung mapanlokong tono ng boses niya. Hmm. Di kaya dahil dun sa Tricia?

Now I’m curious. Who the heck is she?


***