***

It’s been three days since the nightmare. Yeah, as in nightmare. Tuwing maaalala ko yun, kinikilabutan ako.

“You’re really funny.. Steff.”
“What?! What did you call me?!”
“I’ll call you Steff from now on.”
“At bakit?! Di tayo close no!”
“Wala lang. Basta.”
“HUH?”
“Or should I call you, Mrs. Garcia?” napatahimik ako bigla. “So I think, you prefer Steff, right?”

See? It’s a nightmare, right? Tatlong gabi akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa kanya! Grabe talaga. Pag naaalala ko yun, tumatayo lahat ng balahibo sa katawan ko.

“Steff! Ano bang minumukmok mo dyan?”
Tss. Para namang di nila alam. Pakunwaring concerned pa ‘tong si Alice eh.

“Eh kasi, Steff na rin ang tawag sa kanya ng kanyang so-called boyfriend! BWAHAHA!” See? Alam na alam ni Jess. Siguro nasa isip niyo ngayon kung paano niya nalaman no? Simple lang yan. May tinatawag tayong, EAVESDROPPING. Ang mga walanghiyang babaeng ‘to, nakikinig pala sa usapan namin nung freak na yun kanina sa phone! Peste naman kasi! May patawag-tawag pa siyang nalalaman, eh nang-aasar lang naman!

“Whatever, Jess.” Sinimangutan ko nalang siya at sinamaan ng tingin. Tss.

“Whoa! Really? That’s cute!”

“Tumigil nga kayo.”

Grabe talagang mang-asar ‘tong tatlong ‘to. Walang kupas! Aba, hindi naman ako papaya niyan. Pinagtutulungan pa nila ako! Huh. Akala nila sila lang ang marunong mang-asar? Sorry to say this pero marunong rin akong manga-asar AT gumanti.

“Alice, sabi nga pala sa akin ni Kevin manliligaw daw siya sa’yo. Oh and Yna, alam na nga pala ni Drew na crush mo siya, crush ka rin daw niya.
Jess, nakita ko kanina si Patrick, sabi niya ang cute mo daw pag naka-skirt.”

Hindi ko rin alam kung paano ko na-form lahat ng sinabi ko dahil ang bilis ko magsalita, pero after kong sabihin yun, halos sumabog yung mukha ng tatlo sa sobrang pula. Pffft! Hahaha!

“Kidding.” Dugtong ko agad, sabay peace sign. Bigla naman silang natauhan at sinamaan agad nila ako ng tingin.
“Oh ano? Gumanti lang ako ha.” Panunumbat ko pa sa kanila. Totoo naman eh! Sila kaya nanguna.

“Akala ko pa naman totoo. Tss.”
“Gosh. I’ll be the happiest person if that’s true!”
“Hmp! Dapat pala nag-skirt ako ngayon!”

Tinawanan ko nalang sila. Iba-iba pa sila ng reactions eh. Haha! Mang-aasar pa sana ako ng kaunti pero nagulat ako nung biglang nagbago yung expression nila.
This time, sila naman ang nakasmile sa akin… ng nakakaloko. 

“Yo, Steff! Bebe girl!” napatingin agad ako sa likuran at nakita ko ang freakiest freak of all. Kaya naman pala ganyan ang itsura nung tatlong yun. May damuhong dumating. 

“Ano na naman?”

“Huh? Galit ka?”
Lechugas! Nagpa-cute pa ang loko! Akala mo naman cute! Psh. At dinadaan na naman niya sa entertainment ang lahat. Gaano ba kaboring ang buhay niya at dinadamay niya ako?!

“Hindi.. BEBE BOY.”

“Alright. Akala ko galit ka eh. Sige!”

Then saka siya umalis. Tss. Ang plastic talaga ng taong yun. Akala mo ganun talaga yung ugali niya pero sobrang sama naman sa totoong buhay! Kainis! To think na makakasama ko pa siya mamaya since mamaya kami magsho-shoot ng video para sa project. Ugh. Malas ko talaga!

“Ang echos niyo Steff! Kakilig!” batukan ko kaya ‘tong si Jess kahit isang beses lang? Ang kulit eh. Napatingin naman ako kay Yna kasi nilabas niya yung laptop niya. Since wi-fi zone naman dito sa garden, pwedeng-pwede ka mag-surf sa internet. 

“Yah! The Royalty Kiss is still the hottest topic!”

Napatingin naman yung dalawa sa laptop ni Yna. Tapos ang lawak ng mga ngiti nilang tatlo. Ano ba yun? Royalty kiss daw? At anong klaseng issue na naman yan?

“Ano ba yan?”

“Campus underground website.” At talagang tumatambay na sila doon lagi ha? Mga tsismosa talaga!

Dahil nacurious ako sa pinagtitinginan nilang tatlo, pumunta rin ako sa side nila at nakiusyoso. Binasa ko yung unang sentence, at parang nawala na naman bigla yung kaluluwa ko. The.. the heck?! Ano ‘to?! Tama ba ‘tong nababasa ko?!


The Royalty Kiss.

A campus prince and princess, kissed!

The students were amazed when Mr. Ian Darryl Garcia kissed Ms. Tiffany Damian at the garden.
We heard some rumors that they’re in a serious relationship. And if this is true, well, the kiss was the evidence though, then they will be the hottest couple ever.

Of course, credits to those who took the pictures of the kissing scene! It’s so romantic!

After that, may nakapost pang photo nung mismong.. UGH! YUCK KADIRI! Ano ba naman ‘to?! At bakit ba ‘to nasa underground website? Last week pa yun ah?!

“What the hell! Ano ba yan?!”
“Eh di kayo!” wow, I know Alice, I know. 

Pagkatapos kong mag-react eh pinutakte na naman nila ako ng asar. At ano pa nga bang laban ko sa kanila? Pinagtulungan nila akong tatlo eh. Malamang talo ako sa asaran. Pumasok na kami sa class namin after ng madugong asaran. Last class ko na pala ‘to. After nung boring lesson, dismissed na kami.

“Bebe girl!”

“Ay mamaw!” Bwiset! Whoo! Akala ko may lamanlupang sumulpot sa harapan ko! Yun pala siya lang. Jusmiyo, magkakaroon ata ako ng sakit sa puso dahil sa kanya eh.

“Mamaw ka dyan? Mean.” Hala? Di ko naman sinasadya. Arte talaga niya. Pasalamat siya maraming tao!

“Sorry na bebe boy.”

Yuck. Ang plastic namin. God. Bigla niya akong hinila sa kung saan. Pagtingin ko, parking lot na pala. Tapos nasa harap kami ng isang kotse.

“Pasok.”
“Eh? San tayo pupunta?”
“Making The Story of Us. But it’s Just A Dream.” sabay sakay sa car.

Huh?


***