.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014


***

Napanganga ako sa sinabi niya. Pwedeng-pwede na ngang pasukan ng langaw eh! Ano daw? Ballpen? Boyfriend? At ano? Ako pa daw ang nanligaw?! How thick can he be?! Oh God, kill me. Kill me now! Andaming students na nakarinig nung sinabi niya! Shemay lang!

“What are you saying?! Ako? Niligawan ka? In your dreams!” Nakakainis talaga! Nakakahiya pa! Ang kapal ng mukha niya! How dare him to make that announcement!

“Huh? Bakit mo ba dinedeny? Sinasagot na nga kita, ayaw mo pa.” sabay pakita ng innocent face. Sapakin ko yung face niya eh!

“Yeah right! I don’t want to be your girlfriend! Kaya, get lost!” Kinakalabit na ako nung tatlo kong kasama pero di ko talaga titigilan ‘tong hambog na ‘to. Bwisit talaga eh. 

“Okay, aalis na ako. Pero girlfriend na kita. Okay? Bye.”

Then umalis na siya sa harapan ko. Bwisit talaga. Nakakahighblood! After nung incident nay un, humarap na ako kay Jess, Alice at Yna. And what the heck? Para silang sinapian ng masasamang espiritu.

“Did you really court him, Steff?” Huh?! Pati ba naman si Yna naniwala?!

“Yna?! Mukha bang bibigay ako sa lalaking yun? Of course not!”

“Eh bakit sabi niya?” how come na pati si Alice?! Ano ba!

“So mas pinapaniwalaan nyo pa siya kaysa sa akin? Ganun?” Kaibigan ko ba talaga ‘tong mga ‘to?!

“Grabe ha! Interested talaga siya sa’yo Steff!” Oh come on. Even Jess?!

“Jess, gumaganti lang yun dahil inasar ko rin siya kanina.”

Tanong lang sila sa akin ng tanong hanggang matapos ang last class. Walang hiya. Ganito ba ang epekto ng sinabi niya? To the point na pati best friends ko eh mas pinaniwalaan siya? Gosh. He’s really a freak! Buti nalang uwian na. Makakatakas na rin ako sa kanila.

“Sige una na ako. Nice meeting you Alice, Yna and Steff! Bye!” nauna na si Jess sa amin at tumakbo papunta doon sa sundo niya ata.

“Let’s go. Uwi na rin tayo girls.” Gusto ko na talaga kasing magpahinga. Napagod ako sa nangyari ngayong araw.

“Uhm, I think kaming dalawa lang ni Yna ang sabay na uuwi.”

“Bakit naman?” Tinatakwil na ba nila ako?!

“There.” May tinuro naman si Yna sa likod ko.

Ahhh okay, kaya pala. Akala ko naman ayaw na nila akong kasabay umuwi eh. Kinabahan ako dun ha.

“Sige Steff, bye! Pupunta pa kami kila tita eh.”

“Okay. Ingat girls! Bye.”

Pumunta naman ako doon sa tinuro ni Yna. Andun kasi yung car ni daddy. Andito pala siya.

“Dad, bakit niyo po ako sinundo?” Sinimangutan lang niya ako. Mukhang wala naman sa mood si Daddy. Bakit kaya?

“Tanungin mo diyan kay Venice. Natutulog ako sa bahay eh, kinulit akong sunduin ka daw.” Sabay busangot doon sa manibela. 

“Hello ate!” Andun pala siya sa likod. Pumasok na ako sa loob at nagdrive na si Daddy.

“Bakit mo ako pinasundo?” then bigla siyang nag-make face. Naku po! Sabin a nga ba eh! Mapanganib ‘to! 

“Daddy ibaba mo na ako!” pagpupumilit ko kay Daddy.

“No dad! Wag! Wag! WAG!!” Biglang nag-break si Daddy dahil nahilo ata sa sobrang lakas ng boses ni Venice. Pati ako nakaramdam ng hilo. Shemay. 

“Venice! Ayoko! Gusto ko nang matulog eh.”

“Dali na ate. Sige na please?! Last na talaga ‘to.” tsk. Kasi naman eh! Pag ganun kasi ang itsura niya, isa lang ang ibig sabihin nun.

Shopping.

Eh maganda daw ang sense of fashion ko kaya sinasama niya ako lagi. Kaya ayaw makipagtalo ni Daddy sa kanya pag yun ang usapan dahil baka siya ang isama. Dati kasi si Daddy ang sumama, pinagbuhat siya ng mga binili ni Venice. Mga tatlong karton ang buhat niya plus mga paperbags. As in plural, bags. Kaya pinagbibigyan na yan ni Daddy pag shopping ang usapan at ako ang nagiging bait. Ayaw na niya kasing sumama kay Venice pag nag-shoshopping. BAD experience daw eh.

Ako tuloy ang nadale.

Pero sige na nga. Almost two months na rin akong di nag-mamall eh.

“Fine! Basta ba bilihan mo ako ng shoes!” Syempre dapat may kapalit! Demanding na kung demanding!

“Yehey! Okay! Pera naman ni Daddy eh!”

Napakasama ba naming mga anak? Ganun talaga. Gastador kaming dalawa eh. Pero mas malala siya. Promise. Sobrang magastos ng batang yan. After nun, binaba na kami ni Daddy sa SM.

“Mag-taxi na lang kayo pauwi, okay? May pupuntahan pa ako after.”

“Roger Dad!” napaka-hyper ng kapatid ko. Nag-salute pose pa. Nung nakapasok na kami, dumiretso agad kami sa department store.

“Ate, maganda ba ‘to? Eto kaya? Pero feeling ko mas okay ‘tong isa eh.” Okay. Kapapasok pa lang namin niyan ha! Ang adik talaga nito!

“I prefer the white one.” Mas cute kasi yung white na dress kaysa sa yellow. Mas simple tignan.

“Sabi mo eh! Okay, I’ll take this one!” Oha? Masaya na siya nyan. Yan ang kasiyahan niya. Ahm, actually ako rin.

Dress. Shoes. Accessories. Girly things.

Basta tingin lang kami ng tingin sa mga items dun. Bibilhin niya yung mga type niyang styles. Syempre nabilhan na niya rin ako ng shoes. Ang cute nga eh. Buti nalang libre niya. Napunta naman kami sa Men’s section. Ano bang ginagawa namin dito?

“Ate, anong mas magandang iregalo sa basketball player? Jersey o rubber shoes?” Napalaki naman yung mata ko sa tinanong niya. Teka, don’t tell me..

“Hoy Venice! May boyfriend ka na naman?!” Pagkasabing-pgkasabi ko nun, nag-blush ang bruha. 

“Ate naman eh!” sabay hampas sa akin.

“Aray ko ha! Ano ka ba naman! Hoy tandaan mo, third year high school ka pa lang babaita!”

“Eh basta. Cute naman siya eh. Heartthrob yun sa school!”

“Kahit na no! Mag-aral ka muna!” Sira ‘tong batang ‘to. Inuuna pa ang kalandian. Batuhin ko siya ng bola ng basketball eh.

“Tss. Top 1 naman ako nung second year eh. Kayang-kaya ko yan!”

“Yabang.” Yeah right. She’s really smart. Top 1 siya sa buong batch nila last school year.

“Magboyfriend ka na kasi para masaya! Lagi mo na lang dinedeadma mga nanliligaw sa’yo eh!”

Biglang nag-register sa utak ko yung sinabi ng kapatid ko.Boyfriend. Boyfriend?

AAAHHH! Kinilabutan ako bigla! Shemay! I don’t wanna hear that word! Ang freaky!

“Huy ate! Anong nangyari sayo? Bakit ka nakatulala?” Napatingin ako sa kanya. Ano ba yun? Kung anu-anong iniisip ko. Tama na nga.

“Ah.. ano.. wala.”

“Bakit nga?” Eto ang hirap sa kanya eh. Pag may napansin, gustong malaman lahat. Pano ba ako makakatakas sa kanya?!

“Wala nga.” Nagulat naman ako nung tumingin siya sa akin, tapos biglang ngumiti ng nakakaloko.

“Siguro may boyfriend ka na no? Yun siguro no? Ayiiiee, ate!”

AHHH! Hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang akong napatakbo palayo sa kapatid ko.


***