***

Nasa bahay na rin sa wakas. I’m so tired na. Eh sa dami ba naman ng pinabili ni Venice eh! Jusko! Halos makuba ako dahil pinadala niya pa sa akin yung mga mabibigat! Tapos inintriga pa ako buong byahe namin.

“Dad, di na ako kakain. Tulog na ko.”

“Kumain ka. Ang payatot mo na nga eh.” Aba? Ako payatot? Di naman ah! Daddy talaga oh!

“Dad, sexy ako no! WAHAHA.” Sabay hawak ko sa curves ko.

“Nye! Mas sexy ako sa’yo ate!” humirit na naman ‘tong si Venice then nag-pose pa ng sexy sa harapan namin.

“Tumigil nga kayong dalawa. Payatot kayo parehas. Ako ang sexy.” Sabay pose si Daddy. HAHAHA. Isip-bata talaga ‘to! Talbugan daw ba sa kaseksihan ang mga anak niya? Eh di siya na ang seksing daddy!

“Basta bukas na ako kakain. Tulog na ko. Goodnight.”

Pumunta na ako sa room ko at nagpalit na ng damit. Grabeng 1st day of school yun! IMBA! Kung sinu-sinong nakasalumuha ko. May mga friendly, sosyal pero may iba talagang nakakabadtrip ng araw eh. Pero dahil inaantok na talaga ako, nakatulog agad ako nung humiga ako sa kama.

***

“GISING NAAAAAAAAA! MAY PASOK KA PAAA!!!!!” bigla akong nagising sa sobrang lakas ng boses na dumagundong sa kwarto ko.

“Oo na. Gising na ako. Out of my room!”

“Yes ma’am!”

Langya talaga si Venice! Gawin daw bang alarm clock yung boses niya?! Ansakit talaga sa tenga ng boses niya forever. Nung magising ang diwa ko dahil sa kanya, bumangon na agad ako at nagprepare na. Tapos bumaba na para kumain ng breakfast. Nagugutom na ako eh! Di pa ako kumakain kagabi pa.

“Morning Dad. Morning kapatid.” Kumakain na sila kaya nakisabay na rin ako.

“Mag-commute na lang kayong dalawa ha? Di ko kayo mahahatid at may pupuntahan pa ako.”

“Whoa! Okay yan Dad! Wag mo na rin akong sunduin!” Sira talaga ‘tong kapatid ko. If I know, ayaw niya lang na makita ni daddy yung new boyfriend niya. Tss. Landi.

After five minutes eh tapos na kaming kumain. Ayun, sabay na kaming pumasok ni Venice since same way lang naman yung dadaanan namin. Maya-maya lang rin ay bumaba na ako. Okay. Nasa labas na ako ng campus. Nasaan na sila?

**Calling..calling…**

“Hey girl, san na kayo? Andi--” nagulat ako ug biglang nawala yung cellphone ko sa kamay ko.

“Hey! Ano ba akin na yung cell--” 

“Yo Tiffany.” With matching nakakalokong ngiti. Oh gosh. Bakit?!

“Pwede ba? Wag mong sirain yung araw ko ngayon? Tsupi! Tsupi!” Nakakainis! Nagpakita si freak! Kinuha pa yung cellphone ko! Eh nakataas yung kamay niya. Di ko makuha! Di ko kasi abot! Kainis naman eh!

“Ano ba?! Give it back to me!”

“Ganyan mo ba tratuhin ang boyfriend mo?” What the hell. Seryoso ba talaga siya sa pinagsasabi niya?

“Sorry? Boyfriend ba kita? Sa pagkakaalam ko eh ako ang president ng Samahan ng mga Single mula Kapanganakan Society. Kaya paano kita magiging boyfriend, ha?!” Tumawa naman siya. Maganda yan. Sana di ka makahinga para matigok ka na. Tss. Pero, baka mabawasan mga gwapo sa mundo. Comatose nalang siguro. 

“Kahapon lang naging tayo, remember? Niligawan mo nga ako di ba?” nakangiti lang siya. Yung nakakaasar na ngiti, to the point na ang sarap na niyang sapukin. 

“Hoy! Makagawa ka ng storya ah! Walang hiya. Wala nga akong kainte-interes sa mga lalaki tapos papalabasin mong ako pa ang nanligaw? Peste ka.”

“HAHA. Sorry ka na lang. You’re my TOY. Remember?” tapos bigla niya akong hinila sa braso papasok sa campus.

“Hey ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Harassment ‘to!”

“Let’s play a game Tiffany. I’ll be your boy. And you’ll be my girl. Gusto mo may tawagan pa tayo eh? Basta wag corny. This will gonna be fun.”

Sabay tawa niya. Masyado bang boring ang buhay niya at iniistorbo niya ang buhay ko?! At fun?! Anong fun dito?! Eh ayaw ko nga ng boyfriend!

Nakapasok kami sa campus at hila-hila niya pa rin ako. Biglang nagtinginan yung mga students sa amin. Shemay!

“Hey guys! This is my girlfriend!!”

WHAT THE HECK?! ANONG PINAGSASABI NG FREAK NA ‘TO! I’m so dead. Shet. Bwiset talaga. Punung-puno na ako sa kanya!

“Gusto mo talaga ng laro ha? Humanda ka sa akin Ian Darryl Garcia!” binulong ko talaga yan sa kanya! Bwisit kasi eh! Pero nginitian niya lang ako. Akala niya nagbibiro ako? Ang kapal kapal kapal ng mukha niya to the max. Akala niya siya lang ang kayang makipaglaro, ha? Pwes, nagkakamali siya. Umayos ako ng tayo at hinarap siya.

“Wag mo namang ibahin yung story. Sinagot na nga kita eh. Bakit sinasabi mong ikaw yung sumagot sa akin? Ang bad mo.” Yuck. Bigla akong kinilabutan sasinabi ko. Kadiri talaga! Di bagay sa aking umarte! Nagulat naman ako nung bigla siyang ngumiti. That teasing smile of his! Nakakairita!

“Sorry Tiffany. Okay lang yan, love naman kita eh.”

At umabot sa sukdulan ang naramdaman kong pandidiri. Tapos nagulat ako nung biglang kinilig yung ibang babae sa paligid namin. Ugh! Nakakadiri! Yuck! Nakakainis ‘tong lalaking ‘to! Dahil sa kanya, magkaka-issue pa ako! Kailangan kong gumanti! Ayokong maging loser!

Wait. May sinabi siya kanina eh. I think.. yeah. Yun nga! Tawagan daw pero wag corny? Haha. Lagot ka sa akin, freak.

“Halika, punta tayong garden Tiffany.” Sabay hawak niya sa braso ko. Eew.

“O sige. Sabi mo eh. Let’s go BEBE BOY!” sabay ngiti ko sa kanya. After nun, nag-iba yung itsura niya. Siguro dahil doon sa “bebe boy”. Pffft. Nakakatawa yung itsura niya! Parang nasusuka na ewan! Yung mga nakakarinig sa amin, tumatawa. At last! My revenge! Nagulat naman ako nung bigla siyang lumapit sa tenga ko.

“Hey, what the heck was that?” napangiti ako bigla. Success talaga ang operation corny tawagan! Kailangan ko pang makaganti!

“WAH! BAKIT BEBE BOY? SABI MO BEBE BOY ITAWAG KO SAYO? TAPOS NGAYON, AYAW MO NA! ANG BILIS MO NAMANG MAGSAWA BEBE BOY!”

Lalong nandiri yung itsura niya. At lalong nagtawanan yung mga nakapaligid sa amin. BWAHAHA! Amazing! Pero gusto ko pa talaga siyang maasar at mapahiya. Tama lang yun sa kanya!

“HEY GUYS!” sabi ko sa mga nakatingin sa amin. “PANGIT BA YUNG BEBE BOY? DI’BA OKAY LANG NAMAN? BAGAY NAMAN SA KANYA DI BA?” sabay pa-inosente face.

“Ang cute nga eh. Bagay!”
“Cool! Okay lang. Bagay kahit anong itawag sa kanya.”

“SABI KO SA’YO BEBE BOY EH! BAGAY SA’YO!” then pinalo ko siya ng malakas sa likod. Napa-ubo pa nga siya sa sobrang lakas. Bigla siyang napatingin sa akin after nun. Akala ko nga gagantihan ako at papaluin rin ako sa likod pero nagulat ako nung ngumiti siya ulit. What the? Hindi na siya naiinis? O pakitang tao lang?

“Okay. Mapilit ka eh. Gwapo naman ako. Kahit ano bagay sa akin. Lika na, punta na tayo sa garden, BEBE GIRL!”

This time, ako naman yung parang sumama ang sikmura. Shet. Bebe girl? Yuck! Kadiri! Nagulat ako nung biglang naghiyawan yung mga estudyante. May sumigaw pa na kinikilig daw siya. The heck! Nakakadiri raise to infinity!

After nun, hinatak niya ako papuntang garden. Dahil umaga pa, wala pang masyadong tao.

“WALANG HIYA! ANO BANG PROBLEMA MO?!” Asar na asar na talaga ako sa kanya. Ang pam-pam niya masyado! Feeling close!

“Hahaha! Ang saya kaya! Ayos. Exciting ‘to. May bago na akong entertainment. Thanks, Tiffany!”

“Sabing wag mong sasabihin yung pangalan ko eh!” Sabi na nga ba feeling close ‘to eh!

“Ayaw mo? Edi sige. Bebe girl na lang tawag ko sa’yo. Sabi mo cute yun eh!” for the nth  time, kinilabutan na naman ako.

“Shut up! Bahala ka nga dyan! May klase pa ako! Freak!”

Tumakbo ako agad palayo sa garden at lumayas sa harap niya. Sa katatakbo ko, nakita ko sa bench si Alice, Yna at Jess. Nilapitan ko agad sila.

“Hey.. gi..girls.. kanina..pa ka..kayo..?” Hiningal ako masyado sa pagtakbo palayo sa freak na yun. Tsaka ang layo kaya ng tinakbo ko!

Umupo ako sa tabi nila. Pero pagtingin ko sa itsura kanila, pare-parehas sila ng ngiti. Yung pandemonyo? Ano na namang meron? Ano bang problema ng mga tao ngayon?

“Hoy, mga ngiting yan ha!” sigaw ko sa kanilang tatlo.

“Alam mo bang kalat na sa campus na kayo na?” then biglang tumayo si Alice.

“And that’s the top news in the school’s underground website.” Sabi ni Yna sabay pamaywang.

“At ang cool ng Bebe Boy at Bebe Girl tandem! Ayiieeee!” at biglang tumalon si Jess sa akin.

Ang bilis ng tsimis no?


***