***

“Accompanist? As in tutugtog?”

“Yeah. For my project.” Wait lang ha! Napaprocess ko na ang nangyayari dito. Ibig sabihin…

“Kay Ma’am Delos Santos ka ba sa Music?”

“Yeah. Stalker ka ba?” Kita niyo ‘to? Nagtanong lang ako, stalker na agad ako. Haynaku naman! Medyo makapal na ha!

“In your dreams! Sa kanya rin kasi ako. So pareho tayo ng project.” Lumiwanag naman yung mukha niya.

“Really? Then, let’s do this together. I’ll also be your accompanist.” Napatingin ako bigla sa kanya. Masyado akong natuwa sa narinig kong accompanist. OMG totoo ba ‘to? May accompanist na ako!

“Talaga?! Sa wakas, makakagawa na rin ako ng project!” Napahinto naman ako sa pagdidiwang ko nung may narealize ako. “Teka, anong alam mong tugtugin?” Baka mamaya eh hindi naman pala ‘to marunong tumugtog.

“Guitar. You?”

“Oh. Piano.”

Naalala ko bigla yung pinag-usapan namin ni Ven dun sa taxi dati.

Oh eto, personal life na niya. Uhmmm, 17 years old. Mahilig sa music. He’s good at playing guitar. At.. honor student. Yun lang.”

Tss. Marunong pala siyang maggitara eh. Ayos! Masisimulan ko na yung project ko! Yahoo!

***

“Ang saya mo ata ngayon, Steff?”
“May project na ako eh! MWAHAHA!”

Nag-victory laugh pa ako sa kanila dahil sobrang saya ko at masisimulan ko na rin yung pahirap na project na yun. Pero as usual, kinuyog na naman nila ako ng mga tanong kaya sinabi ko na sa kanila yung accompanist thing.

“Yay! I’m sure you’ll get a good grade for that!” pagchicheer pa sa akin ni Yna.

“Oo nga no! Ipopost yun sa youtube di ba? Eh sabi mo 10% ng grade yung views, so may 11% na kayo!” Ano daw? Ang labo talaga kausap neto ni Jess minsan eh.

Pero super happy na ako at di na ako mafafail. Aba! Kailangan ko talagang i-assume na papasa kami, kung hindi, bubugbugin ko yung Darryl na yun. Pumunta naman agad kami sa parking lot.

“Hello ate Alice! Hello ate Yna! Hello ate Jess!” nagulat naman kaming tatlo sa existence ni Venice. Nasa loob pala siya ng kotse. Aba? Ag aga ata ng uwian niya ngayon? Sumakay naman agad ako sa kotse at nagsialis na rin yung tatlo.

“Bakit ang aga mo ata?”
“Half-day lang kami, ate.”
“Ahh.”
“Ay oo nga pala, may photoshoot bukas.”
“Eh? Akala ko ba sa August pa ang next shoot?”
“Ewan ko ba dun, sabi eh. Nag-yes na lang ako.” 

Naman oh! Balak ko na ngang simulan yung project ko eh! Umeksena pa yung modelling job namin!  Pagdating sa bahay eh kumain na agad ako at natulog na.

***

“Sorry talaga.” Sabi ko nalang sa kanya. Aba, buti nga nagsosorry pa ako eh. Di ko naman kasi kasalanan.
“Tss. Ano ba yan! Teka, sasama ako.”
“What? Are you crazy?”
“Eh napag-usapan na nga kasi eh.”
“Eh biglang nagkaroon eh! Tsaka bakit ka sasama?”
“Wala lang.”
“Err!”

Ayan. Nagaaway na naman kami. Sinabi ko kasi sa kanya na may photoshoot ako mamaya. Eh diba ngayon nga dapat kami mag-start na gumawa? Kaya ayan. Nag-aalboroto. Pero nabaliw na ata dahil sasama daw siya? Sa photoshoot? Hell, no! As if naman papasamahin ko siya! Last class ko na nga pala. At nang-iistorbo lang siya ng klase dahil pina-excuse nya pa ako sa klase ko para lang makipag-away.

“Bahala ka nga. May photoshoot nga eh. Sige, istorbo ka. May class pa nga ako eh.” Di ko na siya pinagsalita at bumalik na ako sa room. Sandali lang din at uwian na. Nag-bye na ako sa tatlo at hinihintay naman ako ni Ven dun sa kotse.

“Ate, faster! Baka ma-late tayo.”
“Okay, okay!”

Akmang bubuksan ko na  yung pinto ng kotse eh may nagsara ulit.

“Ano ba--”
“Hi bebe girl!” OH MY GOD.

Kung nanlalamon man ang lupa, please, sana ngayon na. Takte! Bigla ba namang sumlpot sa gilid?! Tapos ang masama pa, nakita ni Venice! Lechugas. Nagkita ang dalawang nilalang na ayaw kong magkita. Feeling ko disaster ang magaganap dito! 

“Bebe girl? Huh? Ate? Anong meron?”

“Oh? Kapatid mo bebe girl?” hindi ko alam kung dahil kanino, pero biglang sumakit yung ulo ko. 

“Stop with that bebe gerl thingy Darryl. Wala tayo sa campus, wag OA, okay? And Venice, classmate ko lang yan, siya yung accompanist ko. Wag mong malagyan-lagyan ng malisya yan.”

Kung minamalas ka nga naman talaga. Yung dalawang makulit na tao sa buhay ko, sabay pa atang peperwisyuhin ang araw ko. Papasok na sana ako sa kotse namin pero nagulat ako nung inunahan ako nung freak sa car. Aba! Sa kanya ‘to? Sa kanya ‘to? Makasakay siya akala mo sa kanya eh.

“Uy ate! We’re late! Sakay na!”

Wala naman akong nagawa kundi sumakay. Kinilabutan nga ako habang nagbibyahe eh. Paano eh nag-uusap yung dalawa. Nakakatakot di ba? Grabe. Magugunaw na ata yung mundo.

“Ikaw pala si Kuya Darryl! Alam mo, may sasabihin ako sa’yo.” Sabay tingin sa akin. Yari ka sa akin Ven, pagdating sa bahay! Sige lang, mang-asar ka pa. You’re effin’ dead! 

“Ano yun? Na may gusto sa akin si Tiffany? Na stalker ko siya? Alam ko na yun, matagal na.”

Ugh. Can I kick him in the face? Tutal di naman niya mararamdaman eh. Makapal na kasi masyado. Grabe. Ako? Ako? May gusto sa kanya? No effin’ way! Like duh? Asa men!

“Ay pano mo nalaman? You’re so great, kuya!”

See?! Sabin a nga ba hindi maganda ang mangyayari kapag nagsama silang dalawa eh! Walanghiyang Venice yan! Itotorture ko siya mamaya sa bahay! Akala niya ha!

Buti at nandito na kami. Di na ako makatagal sa loob ng kotse eh! Ang sama ng aura dun! At silang dalawa lang yung nagkakaintindihan. Tss. Parang sila pa yung magkapatid eh.

“Oh Empress, Princess! Buti dumating na kayo. Let’s start.” Sabi sa amin nung photographer.

Pagtingin ko sa likod ko, tumatawa si Darryl. Bwisit talaga! Bakit kasi sumama pa siya dito eh!

Oo na. Pangit na ng codename ko. Princess?! Si Venice nag-suggest niyan! Wala akong kinalaman sa mga ganyan-ganyan. Pero kasi di ba nga, we want to stay private? Kaya ayan, screen name kumbaga. Kaso etong si Venice, ang kapal ng mukha. Ginawa pang Princess at Empress ang codenames namin. Parang timang lang.

After an hour eh tapos na rin at inatupag ko naman yung project. Nag-usap lang naman kami kung ano yung kanta, saan mag-shoshoot at kung anu-ano pa. Halos 8:30 na rin ako nakauwi. At sobrang pagod na ako. Humilata agad ako sa kama ko. Phew! This is sure a tiring day! 


***