.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 20, 2015


***

Isang minuto na ang nakakalipas pero feeling ko wala pa rin ako sa katinuan.  Pagkatapos kasi ‘nun’ eh bigla siyang tumakbo. Ako naman, hinanap ko pa yung kaluluwa ko dahil feeling ko eh lumabas siya sa katawang-lupa ko. 

“OMG Steff! He.. he kissed you!” Pinaalala pa ni Yna! At aba? Kinilig pa ang bruha! 

“Diba that’s your first?” biglang sabi ni Alice with her nakakalokang ngiti.

Napaupo nalang ako. Pinagpyestahan ako ng kilig ng tatlong ‘to at idagdag pa yung mga tao sa paligid na kung maka-usyoso, wagas. Gosh. I’m doomed. Hanggang sa matapos yung vacant time namin eh pinutakte lang nila ako ng asar. Hindi nalang ako umimik dahil wala ako sa mood. After nun, pumunta na agad ako sa next class ko at napasigaw nalang ako nung makita kong merong pictures sa cellphone ng isa kong classmate. At yun yung pictures sa announcement board kanina.

THE HECK! Pano sila nagkaroon nun?! Waaaaah!

Hindi na ako nakapagconcentrate sa iba kong subjects. Lutang kung lutang. Buti nalang at dumating na ang uwian.

“Girls, I’ll go ahead. Masyado akong badtrip ngayon. Bye! Ingat kayo!”

Nag-nod naman sila. Syempre, andun sa parking lot si Mang Ronald, yung driver namin. Nag-leave kasi siya dati kaya si Daddy ang naghahatid sundo sa amin. Except kung nag-cocommute kami ni Venice. And, I.. uh.. I hate taxi na. I’ll never commute again! I swear! May phobia na ako sa taxi.

“Mang Ronald, punta po tayo sa SM, sunduin muna natin si Ven sa school. Uwian na rin ata nila eh.”

“Okay, Ms. Steff.”

Haaay. Kailangan kong magpalamig ng ulo. Baka sumabog bigla eh. Kaya magshoshopping nalang ako. Tinawagan ko agad si Venice nung mapagdesisyunan kong magmamall ako.

“Hello Ven, sunduin ka namin. Shopping. Bye.”

Binabaan ko agad siya after nun dahil magiging OA na naman yan since narinig niya yung salitang shopping. After 5 minutes eh nakita na namin si Venice sa harap ng gate nila. Excited much?

Pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse, halos mapunit na yung pagmumukha niya sa sobrang lawak ng ngiti niya. Sabi ko nga, di siya masyadong excited.

Nakapunta naman agad kami sa SM. Tapos, pinapasyal muna namin si Mang Ronald dahil baka mainip.

“Ate! Magaganda yung shoes dito, dali!” grabe! Ang hayok ni Venice! Andun agad siya sa stalls ng mga sapatos. Sumunod naman ako sa kanya. At syempre, dahil magkasama kami, expect the worst. Ang dami naming pinamili.

Medyo uplifting naman pala ‘tong shopping moment namin ng kapatid ko. Hindi na ako badtrip. Syempre, may free shoes ako from Venice. Pag-uwi namin sa bahay, napabuntung-hininga nalang si daddy nung makita niya kung gaano karaming paper at plastic bags ang hawak namin. Sabi naman niya, hindi daw dahil sa gumastos na NAMAN kami, pero baka sobrang kalat na naman daw ng mga kwarto namin. Psh. Whatever, Dad. Tumakbo nalang ako sa kwarto ko bago pa humaba yung lecture ni daddy sa amin, at tinambak ko muna yung mga pinamili ko sa closet.

Pero in fairness, napagod ako! Sumakit lahat ng buto ko sa katawan! At dahil feeling ko, ang baho ko na, nagshower muna ako at nagpalit ng pambahay. Then, nagsukat-sukat nung mga binili ko. After that, kapiling ko na naman ang mahal kong laptop. Binuksan ko lahat ng accounts ko sa mga social networking sites like facebook, twitter, tumblr and youtube. Tagal ko na rin kasing di nakakapagbukas dahil medyo nagsisipag ako sa acads ko these last four weeks.

Loading… loading

Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nung naopen ko lahat ng accounts ko. Weh? Yung totoo? Anong nangyari sa accounts ko?! Eh kasi naman! Kamusta ang friend requests, followers at subscribers di ba? Parang hello? Anong meron, people? Eto lang naman kasi ang ikinagulat ko:

Facebook: 997 friend requests (for sure schoolmates ko ‘to sa Kingdom University)
Twitter: 8, 432 followers (schoolmates rin siguro)
Tumblr: 9, 301 followers (ewan ko lang, puro fashion kasi laman ng tumblr ko kaya baka mga girls na addict rin sa fashion)
Youtube: 92 subscribers (hindi ko rin alam kung bakit meron samantalang wala pa naman akong nauupload na matinong videos kundi yung isang mukhang ewan na edit ko.)

Sumakit bigla yung ulo ko. Anong sinabi ng pagdami nila? Daig pa ang kisses sa pagpaparami! One month lang yun ha! Grabe talaga. Di rin ako makapaniwala. Inasikaso ko muna yung facebook ko at nag-accept ng mga kakilala ko. Then nung iniiscroll down ko na, halos mapasigaw ako nung may makita akong di kanais-nais.

Darryl Garcia    Accept   Not now

Balak ko sana siyang i-block kaso napatigil ako. Inaccept ko nalang yung friend request niya. Well, para makita ko ang profile niya at baka may malaman akong tsismis about him. BWAHAHA! Kailangan kong gumanti ulit! Kaya nga inaccept ko siya at tumambay muna sa wall niya. Hmm, let’s see.

Birthday: February 14, 1993

Oh? Valentines Day ang birthday niya? Eew. Parang pambakla naman yung birthday niya. Parang di bagay sa guy na Februaru 14 ang birthday. Oh well. Eh pakialam ko ba? Tss. Iniscroll down ko naman para makita ko yung posts niya at nakita kong nag-status siya a few hours ago.

I kissed a girl and I like it. :)
150 likes.
275 comments

WHAT THE FUDGE?! 150 likes sa simpleng status? At 275 comments? Wow ha? Hindi naman siya masyadong sikat niyan? Pero wait. What’s with his status?! Kissed a girl? Shet. Teka, alam kong masamang mag-assume pero, ako ba yung tinutukoy niya?! Pero no way! Kadiri lang! As if naman! Yuck. Kinikilabutan ako pag iniisip ko! Brrr!

Bumalik naman ako sa katinuan nung may tumunog. Yung sa chat pala. At kung di ka nga naman talaga pinagtitripan ng pagkakataon oh.

Darryl Garcia
Stalking my profile, bebe gerl? :)

The heck?! How did he know?


***