***

Sa buhay natin, maraming pwedeng mangyari.
At kadalasan, unexpected pa.

Nung napasok ako sa university, maraming nangyari.

I became one of the campus princess.
I gained true friends.

And I experienced LOVE.

If you love somebody then tell them how you feel don't be scared of their reaction or rejection.
You should take a chance and don't worry if it does not turn out well.

True love will always be waiting.
What's meant to be will always find a way.

Pinagsisihan ko na dati na hindi ko agad sinabi yung feelings ko.
Ayan tuloy, dami kong luhang nasayang.
Pero ayos lang, worth it naman right?

Yung mga best friends ko? Ayun, lumalavelife na rin.
Kanya-kanya silang diskarte para magpapansin sa mga crush nila.

Si Patrick, feeling ko may special someone yan ngayon eh.

Si Tricia naman, namomroblema pa rin daw sa fiance niya. Haha kawawa naman.

At si Andrea? Sabi ni bebe boy eh nagpunta daw sa Japan. Magmomove-on siguro?

I don't know.

Di pa naman dyan nagtatapos ang buhay nila eh,
marami pa silang pagdadaanan.

Marami pa kaming pagdadaanan.

Si Darryl?

Ayun, bebe boy ko pa rin. Makulit at maligalig pa rin.
Pero masaya kasi lagi akong may libreng chocolates at strawberries.

Para nga akong prinsesa eh.
Syempre, siya ang prinsipe ko.

At oo nga pala, pauso ang mga tao sa campus.

Campus Royalties ang tawag sa amin.

Well, because we're the campus prince and princess plus couple pa kami.
Kingdom na kingdom ang dating ng university. 

"Bebe girl! Pasok na tayo. Hinihintay na tayo sa kaharian natin."

Oh. Andyan na pala ang bebe boy ko. Sinusundo na ako. Adik eh no? Kinarir niya ang pagiging royalty.

Ako?
Hindi ko naman tinuturing na kingdom ang school eh.

Because our true kingdom, resides here.
*points at the heart*

And we are the royalties.

He's the prince,
I'm the princess.

And the only rule we obey is..
To love each other.


-- END --