.

.

Chapter 35

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, April 7, 2015


***

*yawn*

Minulat ko yung mata ko at tinignan yung wall clock. 3PM na pala. Wow! Twelve hours ang tulog ko! Oo, 3 AM na ako nakatulog kagabi. Muntik na nga akong bangungutin dahil sa freak na nag-invade sa utak ko.

Bumaba na muna ako dahil nag-aalboroto na yung mga ahas sa tiyan ko. Ang saya talaga pag sembreak. Kain-tulog-gala lang ang drama ko! Hahaha, this is life!

“Oh ayan na ang prinsesa, ngayon lang bumangon.” Baliw talaga tatay ko. Sorry naman at ngayon lang nagising!

“Steff, kumain ka na. Aalis tayo later.” Sabi sa akin ni mommy.

Eh? Saan kaya kami pupunta? Hmm, hayaan mo na nga! Kakain muna ako ng breakfast at lunch! Gutom na ako eh!

After kong kumain, naligo na ako. Tapos nagbihis. Ewan ko nga kung bakit kakaiba ata suot ko ngayon eh. Simple lang. Blouse and jeans. Siguro dahil mainit? Mag-shoshopping lang naman ata kami eh.

Bumaba na ulit ako sa sala after nun. Teka nga, nasaan ba si Venice? Bakit parang wala atang maingay sa bahay?

“Mom, where are we going? And sasama ba si Ven? Bakit parang di ko siya makita?”

Si mommy, nakadress. Ang sosyal naman. Saan ba kami kasi pupunta?

“Steff, ano ba yang suot mo? Magpalit ka dun! Pupunta tayo sa party. Si Venice di makakasama dahil may tutorial daw sila nung friend niya ata.”

“Ay sa party ba? Okay.”

Aba malay ko bang party ang pupuntahan? Akala ko magshoshopping lang kami eh. Pero naexcite naman ako nung marinig ko ang salitang party. Medyo matagal na rin kasi akong di nakakapunta sa mga parties. Ang last ata eh yung birthday pa ni Alice last year. 

Naghalungkat naman ako sa cabinet ko.. and luckily.. I found a very cute yet simple pink dress. Okay na siguro ‘to.

Bumaba na ulit ako at pumunta na sa kotse ni Mommy. Then, umalis na kami. Siguro after 20 minutes eh andito na agad kami sa party. 6:00 na pala. Gabi na rin.

Pagtingin ko doon sa venue.. whoa. Ang laki ng bahay. Mas malaki lang ata ng kaunti sa bahay namin. Birthday party pala ‘to. Nakita ko sa invitation ni Mommy. Pero di ko naman nabasa kung sino yung celebrant. Baka friend niya.

Umupo muna kami dun sa table na naka-assign sa amin. Kaso iniwan ako ni Mommy dahil makikipagbatian lang daw siya sa mga ‘friends’ niya. Tss, if I know eh mga ka-sosyo niya lang yan sa work. ‘Friends’ pa ang tawag.

Dahil wala naman akong kakilala dito, nagmukmok lang ako sa lamesa at uminom ng juice. Ano ba ‘to, loner mode na naman ako.

*vibrate vibrate*

Ayun! Buti naman at may tumatawag sakin ngayon! Akala ko mamatay na ako sa boredom. At sino naman kaya ‘to.. OMG! Si Darryl? At ano na namang trip niya at tumatawag siya?!

“He..hello?”

“Hello bebe girl! How’s life?”

Ano ba ‘to? Bakit ba siya tumawag?

“Bakit ka tumawag? Lakas topak mo ah?”

“Hmm, wala lang. Masama? Na-miss kita eh! O sige, bye!”

Bigla naman niya akong binabaan. Bwisit. Hindi ko naman kung anong nangyari sa akin. Nasa tenga ko pa rin kasi yung phone ko. Yung kamay ko eh natamaan ata ng stungun at ayaw gumalaw. Shemay. What’s with him?!

“Anak, what happened to you? Bakit parang tulala ka dyan?” Gumana naman bigla yung mga brain cells ko. Leche, nakita pa ako ni Mommy!

“Ah.. nothing Mom. Bored lang. Haha.” 

“Is that so? Okay lang yan, magsisimula na naman yung party eh.”

“Ahh, eh sino po ba yung celebrant?”

“Anak ni Mr. Reyes.”

Mr. Reyes? Yun ata yung business partner ni Daddy eh? Oo ata. May anak pala yun? Inubos ko na yung juice ko dahil nauuhaw ako. Ang tagal namang lumabas nung celebrant oh! Gusto ko nang kumain!

“…Let’s all welcome the birthday celebrant…”

Ayan na. Sa wakas! Makakakain na rin ako!

“Mr. Patrick Reyes!”

Napahinto naman ako sa pagtingin sa mga food. Patrick Reyes? P..Patrick?!


***